Thursday, September 30, 2010

"Filipino" Muna Ngayon

Kung meron man akong nais gawin sa panahon na ito, siguro lahat ng mayroon ako ngayon ay iluluhod ko sa pasasalamat. Maraming nangyari sa buhay ko sa mga nakaraang buwan. Karamihan ng araw ay hindi masaya at puro pagsubok. Sa ilang araw naman, puro pagpapala at grasya ng Panginoon ang nagpapasigla sa akin. Nadagdagan ako ng minamahal ngunit ang isang ito ay natatangi. Bagama't ang puso ko ay sa Panginoon, sa panlupang pananalita, ang puso ko ay sa kanya lamang. Sa pagmamahal ko sa nilalang na ito, may mga taong nagmamahal sa akin na hindi natuwa at ang ilan ay nasaktan. Hindi ko gusto ito. Ngunit ang Panginoon ay matapat. Mayroon akong kasiguraduhan na ang lahat ay maaayos din. Sa ngayon, pininpili ko na iwanan sa kamay ng Diyos ang mga ito sapagkat alam kong hindi ko rin kakayanin pasanin ang lahat sa aking balikat. Masaya ako pero batid kong mas magiging masaya ang mga darating na panahon. Masaya ang hinaharap dahil alam ko na ang kapayapaan na nagmumula sa Panginoong Hesus ang pupuno sa aming mga puso. Ang buhay ng tao ay walang saysay kung ito ay igugugol lamang sa mga bagay hindi rin lang magtatagal dito sa lupa. Higit sa lahat, ang buhay natin ay sadyang regalo lamang mula sa Diyos. Ako ay Kanyang nilikha para sa Kanya. Ako ay nabubuhay para sa Kanya. At ang buhay na ito ay nararapat lang din na magtapos ng matagumpay para lamang sa Kanya. Mahal ko ang Panginoong Hesus higit pa sa kahit kanino man.

No comments:

Post a Comment